Huwebes, Hunyo 29, 2017

TESTIMONIES OF ACTIVATE STUDENT MINISTRY MEMBERS


"How I experienced God? Actually during college ko Siya mas nakilala (3rd year college to be exact) and made Him my Lord and Saviour. Since I met him, andaming nagbago. Mas naging positive ang outlook ko in life. At everything na may mangyayari, I can see that He works on everything."
-         Justine “Ting” Narvas, LSPU Siniloan student

“Noong una, di ko akalain na mapapasama ako dito at makikilala yung iba pang Activate leaders na masasabi kong blessing rin sa buhay ko. Ako 'yung tipo ng tao na ayaw masyado nang intindihin at isipin (chill lang kumbaga) kaya di ako nasali o nasama sa kahit anong gawain sa school, pero pag si Lord ang kumilos, di mo namamalayan na ayan na nagpapagamit ka na. At 'yun yung pangyayari sa buhay ko na di ko pinagsisisihan."

"Bilang estudyante 'di talaga mawawala yung hirap, pagod, stress na mararamdaman mo, ilan lang yan sa mga barriers para di mo magawa yung pinagagawa ng Lord, pero sabi nga sa Word Nya, "But seek first the Kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added unto you (Matthew 6:33). Totoo! Kahit sa sobrang busy at pagod mo, magagawa mo pa rin mag-share kapatid. Lahat ng nararamdaman mong hirap dahil sa schoolworks at the end of the day 'di mo mapapansin, uuwi ka pa rin nang may galak sa puso dahil alam mong si Lord ang kumikilos sa buhay mo. At pag naramdaman mo yan, napakapadal mo kapatid dahil you are directed to the right path! Ang sarap sa pakiramdam magserve sa Kanya. Kahit anong way pa yan ng pagseserve malaki o maliit, pinasasaya mo pa rin Siya. Di lang tayo sa Church pwede magpagamit, maging sa school o kahit saan ka man, ikatutuwa ng Panginoon ang ginagawa mo."
-         Donna "DM" Endegado, LSPU Siniloan student
              
"Sa katunayan bago pa lang ako nagsisimulang makinig sa mga salita ni Lord sa pamamagitan ni Ate DM. She is one of the members of Activate student Ministries...willing siyang maglaan palagi ng oras upang i-share sakin yung Salita ni Lord kahit busy siya sa thesis niya, hindi 'yun dahilan para turuan niya ako....Oo aminado ako na kilala ko lang siya dati sa pangalan pero hindi ko naman lubos na nauunawaan kung ano ba talaga yung itinuturo Niya at yung karapat-dapat para sa kanya. Thankful ako dahil isa ako satinawag at binago Niya..."
-         Luningning Sanoni, LSPU Siniloan student

"Sa Small Group, di ko lang nakilala si God, natutunan ko rin na unti-unting magbago, lalo na sa bahay. Dati pag inuutusan ako, magdadabog muna ako at sasagot pa kesyo napapagod ako, ta's uutusan pa ako, pero nabago 'yun gawa ng mga salita ni Lord na laging tamang-tama at sapul sa akin, natutunan ko sumunod sa magulang, galangin sila...Salamat sa Lord dahil ginamit Niya ang buhay nina Kuya Carl, Jomer, Racel at John Rhey. malaking tulong ang small group sa bawat isa sa amin, na tanging layunin ng campus ministy ay hindi ang humakot ng makakasama nila sa Church kundi ang malalim na relasyon sa Panginoon."
-         Michelle Garcia, LSPU Siniloan student

"I just want to thank God for His goodness kasi na-open yung small group sa klase namin especially sa aming magkakaibigan. Ito yung isa kong desire bago ako pumasok sa college na, I pray one day magkaroon ng Bible-sharing sa classroom....Sobra kaming blessed kase  may mga Ate at Kuya kami na nagiging daan na lalong makikila namin si Lord, malaman yung napakaganda Niyang plano sa amin at matutunan na ituon 'iyong buong tiwala sa Kanya,especially sa pag-aaral lalo na sa course namin."
-Ruth Grace Cads, LSPU Siniloan student

  "Humaba ng kaunti ang pasensya ko, 'di gaya dati na mabilis mapikon."
–       Janice Sadian, LSPU Siniloan student

"When ASM started I am already 4th year college, pero masasabi ko na sa loob ng isang taon na 'yun, I know God is at work. Thru ate Rara and other activate core, I can say na God really used us to win young people in LSPU-SC.


I'm writing this not just to share my experience in Activate but also to encourage everyone na while you are young give it all to God. Allow God to use you. Hindi reason na, "LORD BUSY PA PO AKO SA THESIS EH", "LORD MAY EXAM AKO BUKAS EH." Kahit student pa lang learn to be submissive sa plano ni Lord dahil kapag nagtrabaho ka na, nasa corporate world ka na. ANG HIRAP! GRABE SUPER HIRAP. DANAS NA DANAS KO YAN NGAYON. So, while you're still a student pagamit ka na. Kahit student ka pa lang, MAY-MAGAGAWA KA. And kapag sinunod natin si Lord, kahit hindi natin hinihingi ung favor Niya sa'tin sobra sobra, proven na 'yan and iba kapag ang environment mo ay kapwa mo believer in faith." – Christine Joy Liedo, Auditor, Avis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento